mukhang binenta na ako ng isang unano dyan. kainis. paano na, kilala na ninyo sino si super inday?!?! hindi ko na maaring gamitin ang blog na ito upang magreklamo, mang-asar, magdrama at manggulo.
ngayo'y bisperas ng pasko, ngunit hindi ko nararamdaman ang kasiyahan ng panahon. baka dahil masyado lang akong nag-iisip, at walang magawang nakakawili.
malamig sa londres ngayon. hindi ko lang alam kung mas mararamdaman ko yun pasko doon. pero alam kong gusto kong maranasan ang pasko na wala ako sa maynila, kahit isang beses lang. parang walang kabuluhan ang ika-25 ng disyembre dito sa bahay. hindi ko lang alam bakit. nakakalungkot, pero ganun talaga ang buhay namin.
matatapos na yun taon, at parang walang nagbago dito habang nawala ako. sa loob-loob ko, ayoko talaga manatili sa maynila, o kaya sa pilipinas. hindi naman sa mahirap ang buhay ko dito... ngunit, hindi talaga ako masaya. baka masama na talaga paningin ko sa bansang ito, sa bahay na ito, sa buhay ko dito, kaya gusto kong lumipat. kelangan ko ng malaking pagbabago. hindi ko alam kung paano ko ilarawan sa inyo... basta't nararamdaman ko lang, may kulang ang buhay ko dito. hindi hiyang sa akin ang buhay maynila. hindi ko kayang manatili dito ng matagal. lulubha lang ang kalungkutan ko.
sa tingin ko, pag-alis ko ng pilipinas sa enero.... hindi na ako babalik dito uli. hanggang bakasyon lang. at kahit yon ay madalang mangyayari, kung ako ang masusunod. panahon na para magkaroon ako ng buhay sa labas ng maynila. panahon na para magkaroon ako ng sariling buhay.
No comments:
Post a Comment