23 December 2005

mga tanong.

mga sagot.

bakit super inday? dahil hindi ako pangkaraniwang domestic helper. ako ay nagtapos sa unibersidad ng pilipinas, magna cum laude. bow. hindi sinusweldo, ngunit matino magtrabaho. nagluluto, naglilinis, naglalaba.

bakit ingles ang unang post? dahil sa totoo lang, mas bihasa ako sa ingles kaysa filipino o tagalog. super inday, gani.

bakit secret life? dahil hindi alam ng mga kaibigan ko na may bagong blog ako. at sa mga magbabasa, di ninyo ako kilala. at dito lalabas ang mga bagay-bagay na hindi ko kayang ilagay sa aking lumang blog. yun blog na binabasa ng lahat ng kilala ko. (natututo na ako at hindi na ako magsusulat tungkol sa aking love life dyan. masyadong maraming masasaktan o masasagasaan.)

kung makikilala man ako ng aking mga kaibigan sa aking istilo ng pagkatha... matalino sila at karapat-dapat lang na malaman nila ang sinusulat ko dito. ngunit sa ngayon... anonymous pa rin ako. sa awa ng diyos.

so. that being said, we now resume our regular programming.

22 December 2005

ssssshhhh...

this blog is a secret. nobody knows of it. this is where i post everything i don't want "certain people" to read. all my uncensored thoughts. all my clandestine doings. prepare to be blown away.

super inday to the rescue.